Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Skyway 3 todo na operasyon sa Jan 15

0 55

Bubuksan na lahat ng pitong lane ng Skyway 3 elevated expressway simula bukas, January 15, ayon sa San Miguel Corporation (SMC).

Ang 18-kilometrong elevated expressway ng Skyway 3 ang nagkokonekta sa South Luzon Expressway (SLEX) at North Luzon Expressways (NLEX).

Sinabi naman ng SMC na bago ang tuluyang pagbubukas nito ay isasarado muna nila ang buong expressway mula alas-10:00 ng gabi ng Enero 13 hanggang buong maghapon ng Enero 14 upang bigyang-daan ang isasagawa nilang full inspection, set-up, at staging.

Tuluyan namang bubuksan ang buong expressway sa regular vehicular traffic pagtuntong ng alas-singko ng madaling-araw ng Enero 15.

Ang SMC ang tanging nagpondo sa proyekto na nagamit na ng mga motorista simula Disyembre 29, 2020 ang apat na lane.

Sabi ng SMC, libre ang pagdaan dito hanggang Enero 29, 2021 para masubukan ng mga tao ang ginhawang dulot nito. (Dolly Cabreza/Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.