Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Skyway 3 toll libre pa rin ng SMC

0 217

Mananatiling libre ang pagdaan ng mga motorista sa Skyway Stage 3 hangga’t kaya umanong saluhin ng San Miguel Corp. (SMC) ang toll fee.

Ang SMC ang nagtayo at nagpondo ng nasabing 18 kilometrong elevated expressway.

“Hindi naman kami nagmamadali. Hangga’t kaya namin, kargahin po namin ‘yun,” ani SMC president Ramon Ang sa mga reporter sa inspeksiyon ng Skyway Stage 3 Nagtahan off-ramp kasama si DPWH Sec. Mark Villar.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nang tanungin kung hanggang kailan ililibre ng SMC ang toll fee, sagot ni Ang: “Actually, mahaba pisi natin. Matagal pa ito.”

Nagbukas ang Skyway 3 sa madla nitong Enero 14. (Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.