Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Skyway 3 traffic inayos na

0 145

Nagpakalat ng mga tauhan ang San Miguel Corporation (SMC) sa Skyway 3 na mangongolekta ng toll, magdidikit ng Autosweep RFID sticker at mag-aayos ng traffic para mapaganda ang daloy ng mga sasakyan sa elevated expressway.

Sabi ng SMC, nagdagdag na rin ito ng mga lane para sa RFID installation at reloading at naglagay ng mga karatula upang mas maagang magagabayan ang mga drayber na hindi sanay sa expressway at mga toll plaza nito.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa SMC, gumaan na ang traffic sa Skyway 3 matapos nitong isagawa ang mga nasabing hakbang at humingi ito ng paumanhin sa mga naaberya noong Lunes.

“It’s unfortunate that many motorists were caught in traffic last Monday. We apologize for the inconvenience,” sabi ni SMC president Ramon S. Ang. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.