Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Skyway Alabang southbound exit isasara

0 57

Pansamantalang isasara ang southbound exit toll plaza na katabi ng Alabang Viaduct ng Skyway Extension project simula February 20 para mapabilis ang construction nito.

Maaari umanong dumaan sa Filinvest Exit Toll Plaza ang mga papuntang Alabang o Alabang-Zapote Road ang mga class 1 vehicle. Maaari ring dumaan sa Susan Exit Toll Plaza ang mga papuntang Alabang o Putatan o national road.

Babala ng San Miguel Corp. (SMC), asahan ang masikip na traffic sa lugar dahil sa construction tulad ng paglalagay ng girder, coping beam, at mga pre-cast na slab, pinapayuhan nito ang mga motorista na gamitin ang ibang mga daan papasok ng Skyway o SLEX.

Sabi ni SMC president and COO Ramon S. Ang, “We’re again appealing for patience and understanding from our motorists in the south and residents in the area for any delays that they may experience as we work to complete the Skyway extension. We’ve put in place measures to help mitigate the impact on you and to ensure safety.”

Aniya, walang ibang paraan para matapos ang mahalagang bahaging ito ng construction kundi ang pagsasara ng naturang lugar ngunit pansamantala lamang ito.

“There is no way of getting around this key stage in construction. We really have to do it. It will be a temporary inconvenience, but I promise you, the benefits—eliminating traffic and providing seamless travel—will be well worth it,” sabi ni Ang.

Ngayon, makararating na mula Alabang hanggang Balintawak sa pagdaan sa Skyway. Oras na matapos ang Skyway Extension, maaring nang lampasan ng mga motorista ang Alabang papunta sa kanilang destinasyon sa Makati, Manila, San Juan, Quezon City, o NLEX. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.