Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Skyway Stage 3 Project, madadaanan na ngayong Martes

0 94

Inanunsiyo ni San Miguel Corporation President at Chief Operating Officer Ramon Ang na maaari nang magamit ng mga motorista ang Skyway Project Stage 3 simula ngayong Martes, December 29.

Ayon kay Ang, sa ‘kanilang partial opening’ ay libreng magagamit ng mga motorista sa loob ng isang buwan ang stage 3 ng Skyway Project na pinondohan ng San Miguel Corporation sa ilalim ng Private Public Partnership para maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Aniya, sa pagbubukas ng Skyway Stage 3 Project, tinatayang nasa daang libo ng mga sasakyan ang mababawas nito sa kahabaan ng Edsa.

Sa pagtaya ng Department of Transportation (DOTr), hanggang 30 minuto na lamang ang itatagal ng biyahe mula Alabang Muntinlupa hanggang North Luzon Expressway, habang mula sa Makati hanggang Balintawak Quezon City sa loob lamang ng 20 minuto.

Nabatid na pitong lane ang agad ipagagamit sa mga motorista at wala pang toll na sisingilin. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.