Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Slapshock bokalista natagpuang patay

0 547

Wala nang buhay nang matagpuan ang bokalista ng bandang Slapshock sa loob ng kanyang bahay sa Quezon City, nitong Huwebes ng umaga.

Sinugod pa sa ospital si Vladimir Salenga Garcia, o mas kilala sa pangalang Jamir Garcia, ngunit wala na itong buhay. Batay sa inisyal na imbestigasyon, nadiskubre umano ng kasama nila sa bahay na si Suzeth Manlapaz ang kabigting katawan ni Garcia gamit ang nakapulupot na kumot na itinali sa bintana sa loob ng kwarto nito.

Agad na humingi ng saklolo si Manlapaz sa live-in partner ng biktima na si Sojina Jaya-Crisostomo at tinanggal sa pagkakatali ang katawan ng biktima saka sinugod sa nasabing ospital. Tumanggi na umano ang pamilya ni Garcia na imbestigahan pa ang insidente dahil kumbinsido silang sadyang nagpakamatay ang ang frontman ng banda.

Bago ito, napaulat nitong Oktubre ang pagkabuwag ng banda matapos ang 23 taon dahil sa diumano’y isyu tungkol sa pera. Sa ulat ng pulisya, kinasuhan umano ng kanyang mga kabanda si Garcia dahil sa alegasyon ng embezzlement o paglustay sa pera.

Naging tanyag ang banda dahil sa mga kantang heavy metal. Isa sa mga sumikat nilang awit ang ‘Unshakable’ patungkol sa pagiging matatag ng mga Pinoy sa mga nararanasang kalamidad gaya ng nakaraang Super Typhoon ‘Yolanda’. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.