Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Slaughter, Aguilar nag-bonding

0 58

Muling nagsama sa playing court sina Barangay Ginebra San Miguel ‘Twin Towers’ Gregory William ‘Greg’ Slaughter at Japeth Paul Aguilar base social media post ng huli nitong Huwebes.

Sa Instagram story ni Slaughter, 32, isang maikling clip kuha sa isang gym sa Pasig City ang ipinakita ng nagbabalik na Gin King at may caption na “back in the lab w/my twin @japethaguilar35 hand down man down”.

Nag-sorry noong Disyembre ang seven-footer center sa mga opisyal ng San Miguel Corp. dahil sa biglaang kanyang desisyong paglisan sa koponan noong Enero 2020.

Kasunod nito, nabigyan naman ng bagong kontrata si Slaughter ng team ngayong Pebrero para muling makabalik sa 46th PBA Philippine Cup 2021 sa April 9.

Sa huling 44th season na nakasama ang Ginebra, may average si Slaughter na 9.6 points, 6.4 rebounds, 1.0 assists at 0.9 blocks. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.