Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Slaughter balik Ginebra

0 319

Magbabalik na si ‘Gregzilla’ sa PBA.

Kinumpirma ni Barangay Ginebra San Miguel coach Tim Cone na balik na sa koponan si Greg Slaughter.

Sa maikling tugon ng PBA winningest coach sa Twitter, sinabi niyang na pumirma na ng bagong kontrata ang seven-footer para sa Gin KIngs.

“No answers yet, except that Greg is signed,” anang bench tactician Miyerkoles bilang tugon sa tanong ng isang netizen.

Nagkalamat ang relasyon ng Ginebra at ni Slaughter nang piliin ng big man na magpahinga sa paglalaro matapos ang pagkapaso ng kanyang kontrata noong nakaraang taon.

Dahilan pa niya, wala umanong lumapit sa kanya mula sa kampo ng Ginebra para sa contract extension.

Depensa naman noon ni San Miguel Corp. sports director Alfrancis Chua, na responsibilidad ng isang player na lumapit sa kanyang team hinggil para sa extension ng kontrata. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.