Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Slaughter binuhos ngitngit sa RoS

0 83

Dumaan na sa palad ni Greg Slaughter ang nangyari sa NorthPort noong Biyernes nang masingitan ng nakaw-play ng Magnolia Pambansang Manok.

Nilabas ni coach Pido Jarencio si Slaughter sa final defensive play, nakawala sa backdoor screen ni Paul Lee si Calvin Abueva para isubo ang winning basket 90-89.

Makalipas ang dalawang araw, wala na ang pagkadismaya ni Slaughter.

Nagsumite ang 7-foot big man ng dominanteng 25 points, 11 rebounds at 6 blocks para ihatid ang Batang Pier sa 91-88 overtime win laban sa Rain or Shine Linggo ng hapon.

Si Slaughter pa ang bumutata sa panabla sanang 3-pointer ni Gabe Norwood sa final 2.4 seconds ng OT.

SM food to go Banner Ad

“A lot of frustration last time or any time you lose a game,” bulalas ni Slaughter matapos sumampa sa 5-5 ang NorthPort.

Sa bounce-back win ay lumakas ang tsansa ng Batang Pier sa last 8 na papasok sa quarterfinals ng PBA Philippine Cup sa Bacolor.

“We’re trusting each other, we’re trusting coach Pido, we just pull it together and move on to the next one,” dagdag ni Gregzilla.

Si Jarencio, umamin na nag-sorry kay Slaughter at sa team sa desisyong ilabas ang center kontra Hotshots. At may sundot pa siya sa mga nambabatikos.

“Kayong mga hater and basher ko, Diyos na bahala sa inyo. I love you all.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.