Abante Tonite Interactive

Slaughter handang banggain ang RoS

By
2,349

Laro ngayon:
(Game 1/Best-of-5/ MOA Arena)
6:40 pm – Alaska vs. San Miguel Beer

Noong isang taon ay halos buong season na wala si Greg Slaughter, inabot ng ACL injury at sa sidelines pinapanood ang Ginebra.

Nakabalik na ang 7-foot center, umaariba na rin ang Gin Kings.

Mula sa 1-5 start sa PBA Commissioner’s Cup, pitong sunod na panalo ang tinungga ng Gins – huli ang two-game sweep sa Meralco sa quarterfinals – para pumalaot sa final four.

“I’m just glad to be able to play,” lahad ni Slaughter pagkatapos ng series-clinching 104-90 win ng Ginebra Miyerkoles nang gabi sa Smart Araneta Coliseum.

“It was tough watching­ from the sidelines last year. My teammates fought hard then, and I’m just glad to be out there fighting with them.”

Si Slaughter ang natoka kay Arinze Onuaku, nalimitahan niya sa 12 shots lang bagama’t tumapos ng team-high 21 points. Habang binubulabog ang bruskong import ng Bolts, nagawa pang umayuda ni Slaughter ng 14 points at 10 rebounds.

“It’s tough,” dagdag ni Slaughter sa trabahong pinakarga sa kanya. “Not just Arinze, he’s a handful, but also Meralco.”

Babanggain bukas ni Slaughter si Reggie Johnson ng Rain or Shine matapos wasakin ang GlobalPort 103-97 sa kanilang do-or-die game nitong Huwebes.