Slaughter malabo pa makabalik

Sa tono ng pahayag ni team manager Alfrancis Chua, mukhang malabo pang makabalik si Greg Slaughter sa Ginebra.
“Really? That’s good,” pahayag Huwebes sa CNN ni Chua, kinatawan din ng team sa Board at sports director ng San Miguel Corp.

Mahaba-haba ang post ni Slaughter sa social media para sa mga Ka-Barangay nitong Martes, “better person” na aniya siya mula nang lumayo sa basketball.
“My intention was purely to improve myself both as a person and as a basketball player,” anang 7-foot slotman. (Vladi Eduarte)