Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Slaughter malabo vs Tropa

0 62

Malabo pang makabalik-aksiyon si Greg Slaughter na may cellulitis, isang bacterial skin infection na ngayon pa lang nakita ng mga doctor, sa laban ng NorthPort sa TNT sa 46th Philippine Basketball Association 2021 Philippine Cup elims ngayong Miyerkoles.

Samantalang pinayagan na ng liga si coach Pido Jarencio at staff niya na makabalik sa Batang Pier bench kontra Tropang Giga sa alas-3:00 nang hapong girian sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga.

“All NP coaches are cleared and are back in Pampanga,” ani interim coach at team manager Bonnie Tan, na nirendahan sa three-game winning streak ang team habang nagpapagaling coaching staff sa COVID-19.

“Yes, I’m back,” ani Jarencio. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.