Abante Tonite Interactive

Slaughter nakabawi

By
11

Ang pagbabalik ni Greg Slaughter ay agad nabiyayaan ng isang espesyal na premyo.

Ang seven-footer na sentro ng Ginebra ang itinanghal na PBA Governors Cup Best Player of the Conference ng PBA Governors Cup, ang kanyang unang tournament sa halos isang taon pagkatapos ma-sideline ng knee injury.

Pagkatapos pagsama-samahin ang boto ng PBA Commissioner’s Office, players at media, nanalo si Slaughter kay Chris Newsome ng Meralco at statistical leader June Mar Fajardo ng San Miguel Beer.

Ang total ni Slaughter ay 975 points, si Newsome 707 at Fajardo 617. Sina Jayson Castro (440) ng TNT at Arwind Santos (371) ng SMB ang iba pang kandidato.

Nakopo muli ni Allen Durham ng Meralco ang Best Import award, unang back-to-back sa tournament tapos ni Gabe Freeman ng SMB noong 2009 at 2010.

Nakatipon si Durham ng 1,219 points. Si Justin Brownlee ng Ginebra ay nakakuha ng 834 para maging pangalawa sa ikalawang sunod na taon.

Ang mga awards ay ipinamahagi ni PBA Commissioner Chito Narvasa bago mag-Game 2 kahapon ng best-of-seven finals series sa pagitan ng Ginebra at Meralco.

Para kay Salughter, mas magiging espesyal ang award kung mapapanatili ng Ginebra ang kampeonato.

“It will be a bonus if any individual award comes along, but my focus really is to win this championship in my first conference back with my team,” sabi ng 29-year-old Rookie of the Year noong 2014.