Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Slaughter, NorthPort rumatsada sa praktis

0 230

Nagdiwang ng kanyang 33rd birthday si Greg Slaughter noong May 19.

Kinabukasan, sumalang na agad ang 7-foot slotman sa full practice kasama ng kanyang bagong team na NorthPort.

Nasa Batangas ang Batang Pier, sa Batangas City Sports Center ang una nilang scrimmage matapos payagan ng IATF ang 12 PBA teams.

Nabinyagan na rin ni coach Pido Jarencio ang rookies nilang sina Jamie Malonzo at Troy Rike.

No. 2 pick overall ng Batang Pier ang 6-foot-6 forward na si Malonzo, isinunod sa 11th, 3×3 specialist na si Trike.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Parehong loob at labas ang laro ng dalawang newbies, magandang kumbinasyon sa pamoste sa gitnang si Slaughter at kay defense specialist Sean Anthony.

Inaasahang makakabalik na rin si Robert Bolick, hindi nakalaro noong nagdaang taon dahil sa ACL injury.

Kung sakali magiging palaban din agad ang starters ni Pido Jarencio kapag nagbukas na ang 46th PBA Philippine Cup 2021 sa darating na June 15 sa isang closed-circuit sa ihahayag venue.

Nalipat si Slaughter sa NorthPort mula Ginebra sa one-on-one trade kay Christian Standhardinger nitong March.

Tumapos lang ang NorthPort na 11th sa 2020 PH Cup, may 1-10 win-loss record kagaya ng Terrafirma.(Vladimir Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.