Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Slaughter pabebe, gustong bumalik

0 207

BUKAS sa isipan ni former Ginebra big man Greg Slaughter na maglarong muli para sa Gin Kings.

Inamin nito sa Power and Play podcast ni Noli Eala na interesado pa itong maglaro para sa PBA crowd favorite team na Ginebra.

“At the moment, we are going to have a meeting. But right now, I’m just waiting on Ginebra to get back me with firm date. But I’m ready to go,” saad ng 7-footer center.

Bagama’t nakakuha na ito ng offer sa iba’t ibang koponan sa Tate, bilang respeto sa Ginebra at kausap na koponan ay paplantsahin niya muna ito bago pagpasyahan ang bagong yugto ng kanyang basketball career.

“There have been also interest from other teams abroad. But at the moment, with respect to Ginebra and everything, all our experience we’ve been through. I definitely love to talk to them before I make my final decisions,” sabi pa nito.

Magugunitang napaso ang kontrata ni ‘Gregzilla’ sa Ginebra noong Enero.

Imbes na pumirma ulit ng kontrata ay pinili nitong mangibang bansa muna.

Nabatid pa na lumagda na rin ito sa international basketball agency na BeoBasket. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.