Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Slaughter tigil pabida sa pandemya

0 455

Ibang Greg Slaughter ang nakita ni coach Pido Jarencio sa ilang linggo lang na itinagal ng 7-footer sa NorthPort.

Maliksi ang galaw, nagbawas ng timbang at tumitira na sa labas.

Nang mawala sa Ginebra, pumunta ng US ang Cebuano. Kahit inabot ng pandemic doon, hindi siya natigil sa ensayo sa gym.

Bumalik ng Pilipinas, muling pumirma sa Gin Kings si Gregzilla pero napunta sa Batang Pier sa one-on-one trade para kay Christian Standhardinger.

“Alam naman natin during the bubble nagpunta siya sa US, nag-training,” ani coach Pido nitong Huwebes.

Gusto aniyang patunayan ni Slaughter na pang-PBA talaga siya, kaya nagpupursigi.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Kita naman in the way he works,” rason ng tactician.

Nanghinayang lang si Jarencio dahil natigil ang workout ng Batang Pier mula nang dumami muli ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Gumaganda na aniya ang kondisyon ng kanyang players, kasama si Slaughter, napigil lang muli.

Pero suportado ng coach ang hakbang ng pamahalaan na nauwi sa NCR-plus general community quarantine, sarado muli ang mga gym.

Nakikita na ni Jarencio ang magandang kombinasyon nina Slaughter at bagong acquisitions na sina Jamie Malonzo at Troy Rike.

Second pick overall ng Batang Pier si Malonzo noong nakaraang Draft, No. 11 si Rike. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.