Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Slaughter pinayuhan ni Baldwin

0 250

Bago magtangkang makipag-usap sa Samahang Basketbaol ng Pilipinas (SBP) para sa posibilidad na muling makapaglaro sa Gilas Pilipinas, ayusin muna ang gusot sa Philippine Basketball Association (PBA) mother ballclub, Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings.

Ito ang ipinayo Huwebes ni SBP Program Director Thomas Anthony ‘Tab’ Baldwin kay free agent Gregory William ‘Greg’ Slaughter na nagbalik na sa bansa ilang araw ang nakararaan mula sa ilang buwang training at paglilimayon sa Estados Unidos.

SM food to go Banner Ad

Mukhang nakikipag-areglo naman na ang 32-year-old, seven-footer Fil-Am center dahil sa Instagram post nag-goodluck kay former teammate Japeth Aguilar pa-bubble na sinagot naman ng huli na umaasang muling makasama sa laro ang Fil-Am.

Pagkaayuda sa Gin Kings na mabawi ang 44th PBA PBA Governors’ Cup nitong Enero, hindi lumagda ng panibagong kontrata sa crowd favorite si Slaughter.

Sa halip nag-Tate at nagpalipas ng ilang buwan. Hindi siya isinama ni coach Earl Timothy ‘Tim’ Cone sa 15-man lineup ng Ginebra para sa 45th PBA Philippine Cup 2020 eliminations restart sa darating na Linggo. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.