Abante Tonite Interactive

Slaughter sinalag ang mga intriga

0 533

Hindi nakatiis si Greg Slaughter, klinaro ang ilang bagay na nagsanga-sanga pagkatapos ng desisyon niyang magbakasyon muna sa paglalaro ng basketball.
Sa Twitter nilabas ni Slaughter ang klaripikasyon.

“There have been a lot of inaccurate theories going around about my recent decision,” panimula ng kanyang post nitong Biyernes.

Sa Instagram din binasag ng 7-foot center ang balita na isasabit muna niya pansamantala ang jersey pagkatapos ng 2019 season, kasabay ng pagtatapos ng kanyang kontrata sa Ginebra.

Wala pa aniya siyang natatanggap na bagong offer mula sa team na kumuha sa kanya bilang No. 1 pick noong 2013, kaya hindi tamang sabihin na nagde-demand siya ng kahit ano.

“I never received any contract offer. It’s unfair to say I made demands when there was no offer,” paliwanag niya. “I was never aware of any trade.”
Isa sa mga lumabas na dahilan ng desisyon ni Slaughter ay ang trade daw na niluluto ng Ginebra para ibigay siya sa NorthPort kapalit ni Christian Standhardinger.

Hindi raw ito alam ng Fil-Am.

Ang demand naman na sinasabi ay ang gusto raw ni Slaughter na magkaroon ng no-trade clause sa kanyang kontrata.

Kung wala pa siyang natatanggap na contract offer, hindi nga tama na sabihin nagde-demand siya.

Bumati si Slaughter ng “Happy Valentine’s Day” bago tinapos ang post niya sa #SpreadLoveNotHate. (Vladi Eduarte)