Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SLEX, Skyway, NAIAX, STAR, TPLEX 100% cashless toll umpisa Nov 2

0 197

Ipatutupad ng San Miguel Corporation (SMC) ang cashless toll collection simula sa November 2 matapos na ipag-utos ng Department of Transportation (DOTr) ang contactless at cashless payment transaction sa mga tollway para mapigilan ang pagkahawa sa COVID-19.

Base sa DOTr Order 2020-012 na may petsang August 13, 2020, ipatutupad na ang cashless toll sa Skyway system, NAIA Expressway, South Luzon Expressway (SLEX), STAR tollway, at sa Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).

“We have completed the reconfiguration of these cashless lanes to help ensure a smooth transition and hopefully, minimal delays for motorists. Implementing this measure is a priority for us because it is in line with government health regulations and it will better protect both our motorists and expressway employees,” ayon kay SMC president at chief operating officer Ramon S. Ang.

Tiniyak ni Ang na suportado nila ang polisiya ng gobyerno at naniniwala sila na mapipigilan ng cashless transaction sa mga tollway ang pagkalat ng virus.

Pinaalalahanan din ni Ang ang publiko na para sa mabilis at ligtas nilang pagbiyahe ay makabubuting kumuha na ngayon ng libreng RFID stickers sa kanilang mga toll plaza. Aniya pa, wala namang requirements kung kaya’t magiging mabilis at madali lang ang pagkuha ng RFID stickers.

Samantala, ang mga toll teller na maaapektuhan ng lane automation ay ililipat lamang sa ibang lugar, kabilang dito ang bagong Skyway State 3 at sa SMC Tollways RFID department.

“While this transition is necessary to help fight the spread of the virus, the welfare of our employees remains a priority for us, especially at this critical time. Our employees will not be displaced. Instead, we will find postings for them that are suited to their skills and competency,” ayon pa kay Ang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.