Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SM, Ayala kinakasa na mga mall sale

0 242

Pinaghahandaan na ng mga malalaking shopping mall sa bansa ang pagdaraos ng sale matapos payagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Nabatid ito sa mga kinatawan ng SM Supermalls, Ayala Malls gayundin ng Robinsons Mall nang makapanayam sa isang himpilan ng radyo nitong Sabado.

Sabi ni Charmaine Bauzon, ang head ng Ayala Malls Luzon Operation, kanila nang pinaghahandaan ang pagsasagawa ng sale sa iba’t ibang mall na maaaring simulant sa kalagitnaan o katapusan ng Nobyembre.

Gayundin ang sinabi ng kinatawan ng SM Supermalls kung saan magkakaroon na umano sila ng mall sale sa Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2 sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Tiniyak ng mga nabanggit na mall na kabilang sa kanilang paghahanda ang pagtatakda ng mga health at safety protocol base sa pinatutupad na mga panuntunan ng pamahalaan.

Maglalagay din umano ng mga safety marshal para masigurong sinusunod ng publiko ang mga protocol.

Leave A Reply

Your email address will not be published.