Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SM kasado maging vaccination site

0 525

Pinayagan ng pamilya Sy na gawing COVID-19 vaccination site ang piling mga SM mall upang maging madali sa publiko na maturukan ng bakuna.

Kabilang dito ang SM City Marilao, SM City Masinag, BF sa Parañaque, at SM North Edsa Skydome.

“As part of our continuing efforts in preventing the further spread of COVID-19, SM malls all over the country can provide convenient, safe, and accessible venues for the community to get vaccinated,” pahayag ni SM Supermalls president Steven Tan.

Kasama rin ang SM Group, na pinamumunuan ni Teresita Sy-Coson, sa pribadong sektor na nanguna sa pagbili ng AstraZeneca vaccine para sa kanilang mga manggagawa. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.