Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SM Mega Tower nagliyab, 97 na-trap

0 67

Mala-pelikula ang ginawang pag-rescue sa may 97 indibidwal na na-trap sa nasunog na SM Mega Tower residential building sa EDSA, Mandaluyong City kahapon.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Public Affairs Office chief Navy Capt. Jonathan Zata, nagsagawa ang mga miyembro ng 505th Search-and-Rescue Group ng “15 shuttle flights” para i-rescue ang mga sibilyan ng Philippine Air Force gamit ang kanilang S-76A helicopter.

Inilipad ang mga na-trap mula sa rooftop ng nasusunog na gusali sa Brgy. Highway Hills at inilipat sa rooftop ng SM Megamall, ayon kay Zata.

Nabatid na alas-10:26 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa ika-27 palapag ng 50-storey SM Mega Tower sa Brgy. Addition Hills ng naturang lungsod at idineklarang fire out ng alas-3:50 ng hapon.

Ayon naman kay Fire Superintendent Alberto de Baguio, Mandaluyong City Fire Marshall, limang katao ang kinumpirmang sugatan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakaligtas ang mga biktima sa pamamagitan ng pagbasag ng mga rescuer sa glass window ng ilang floor para magkaroon ng ventilation ang mga na-trap na empleyado at construction worker.

“Actually meron na tayong rescuer sa itaas na nagbabasag ng salamin. ‘Yong ating sunog kontrolado na siya, makita natin visible ‘yong usok ay kulay puti na. Since may na-trap hindi pa natin alam kung empleyado ‘yan, ina-assist ng ating special rescue force na maibaba,” ayon kay De Baguio.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang naganap na sunog.

Sa inilabas na statement ng SM Investments Corp., developer ng SM Mega Tower, ligtas na ang lahat ng inilikas sa gusali at binigyan ng karampatang lunas. (Vick Aquino/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.