Abante Tonite Interactive

SM reclamation project sa Pasay aprub na

455

Binasbasan na ng lokal na pamahalaan ng Pa­say City ang reclamation project ng SM Prime Holdings ng mga Sy para tabunan ang 360 hektarya ng municipal waters sa nasabing lungsod para gawing business district.

Sabi ng SM Prime Holdings kahapon, natanggap na nila ang notice to proceed para sa proyekto mula sa Pasay City.

Ang reclamation project ay kokonekta sa Mall of Asia complex na development ng mga Sy. Ang plano ay gawing business district ito na may mga mall, opisina, tahanan, entertainment area, 5-star hotel, at convention center.

Ayon sa SM Prime Holdings, joint venture ito kasama ang lungsod ng Pasay.
Ang kompanya ang gagawa ng reclamation pati na ang mga horizontal development work.

“We have complied with all the requirements of national agencies and secured all the required permits and clearances to enable SM Prime to commence with the reclamation project. We expect thousands of job opportunities to be generated in the process,” sabi ni SM Prime president Jeffrey C. Lim. (Eileen Mencias)