Abante Tonite Interactive

‘Small bird’ nahuli ni coach

BLIND SIDE

816

Hindi makali­mutan ng isang prem­yadong coach ang kanyang nakita at napanood sa isang dating ­po­pular ngunit ngayon ay luma nang lugar para sa mga laro sa ­basketball.

Hindi inaasahan ni coach sa kanyang pagpasok sa comfort room ng dating pinaggaganapan ng mga laro ang makita ang isang lalaki na nakaupo sa toilet bowl na hawak ang isang panglalaking magazine at hawak-hawak din nito ang kanyang maliit na “bird.”

Tinawag ng kalikasan ang matangkad na coach kaya nagmamadaling tumakbo sa comfort room habang nagaganap ang laro ng kanyang koponan. Dahil sa kanyang katangkaran ay hindi naiwasang makita ni coach ang nasa kabilang cubicle na may mababang partisyon o divider.

Ikinagulat ni coach ang nakita subalit natawa na lamang sa ginagawa ng lalaking hindi naman player pero madalas na naki­kita sa mga laro ng liga at madalas na pinupuntahan at nakiki-chika sa mga bisitang artista at beauty queen.

Hindi kilala ni coach ang nakitang lalaki subalit palagi itong nangingiti kapag nakikita niya tuwing may laro ang liga.

Small bird kasi…