Abante Tonite Interactive

Smalltime cocker tampok sa ‘House Kristo Ulutan’

264

Mga smalltime cocker ang kasali sa air-conditioned Las Piñas Coliseum kaugnay ng “House Kristo Fastest Win One-Cock Ulutan” ngayong Sabado, May 25, taya ang P50,000.

Lampas 120 entries ang tinataya dahil bawat miyembro ng LPC House Kristo Association ay may imbitadong tig-lilimang kalahok.

Ihahatag din sa LPC ang “Bunso 3-Cock Derby” sa Miyerkoles, May 29 na malamang may 40 entries o higit pa kung saan si businesswoman Budjit Aguilar ang host na may entry fee na P4,400 at P250,000 cash prize.

“Submission ng entries sa May 28 mula 10am hanggang 6pm. Marami nang siguradong entries at cockhouse reservations,” ani LPC assistant operations manager Julius Canumay kahapon.

Tawagan lang para sa iba pang mga impormasyon sina Grace 1, Grace 2 at Julius sa 873-1040, 0929-1800960, 0939-1376455, at 0915-3582076. (Enjel Manato)