Abante Tonite Interactive

Smart nagloko ang data service

231

Nakaranas ang mga Smart Telecommunication postpaid customer ng mabagal hanggang hindi maka-access sa kanilang data service kahapon.

Ayon sa advisory ng Smart, nagkaproblema umano ang kanilang mga postpaid customer sa paggamit ng kanilang data service dahil sa mga ipinatupad na maintenance at system upgrade activity na isinagawa noong Hul­yo 8 nang gabi.

Humingi naman ng pang-unawa sa kanilang mga customer ang Smart Telco.

“We are now in the process of normalizing their data services and will provide futher updates as needed, thank you for understanding,” ayon sa Smart Telco. (Juliet de Loza-Cudia)