Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Smart P700K ang multa

0 318

Napatawan nitong Linggo ng $15,000 fine (P700K) si Boston Celtics guard Marcus Smart para sa kanyang pagpuna sa officiating matapos ang kanilang laban nitong kontra sa Milwaukee Bucks.

Tinanggap ng Boston ang 112-119 loss, ibinahagi ni Smart na binigyan ng “excuse” ng mga referee sa pagpapaliwanag ng kanilang tawag kontra kay reigning MVP Giannis Antetokounmpo.

Ito sana ang magiging ikaanim na foul ni Giannis na mapa-foul out sa laban. “Wish we got a better one,” ani Smart. “The excuse was I was late on drawing the charge.” (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.