Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SMB, 11 pa atat sa aksiyon

0 157

Gigil nang mag-scrimmage ang 12 ballclub ng PBA, ayaw kalawangin.

Ang mga nagpapanalo tulad ng San Miguel Beer na naka-three straight wins, ayaw mawala ang momentum.

Gayundin ang 3-0 Magnolia na galing sa 117-94 tambakang panalo sa Ginebra sa Manila Clasico noong Dec. 25.

Pero hangga’t pataas pa ang kaso ng COVID-19 infections sa Metro Manila, bawal muna ang full practices.

SM food to go Banner Ad

“Team and coaches, gusto na nilang mag-scrimmage,” balita ni commissioner Willie Marcial nang mag-guest sa PSA online Forum Martes. “Sabi ko ‘wag muna.”

Hanggang workout lang muna, pero limitado ang bilang ng puwedeng magsabay-sabay sa kanilang practice venue.

“Cluster-cluster muna sila. Apatan na players, staff, utility. Hanggang pito lang sila (sa isang session),” dagdag ng PBA chief sa Forum na mga hatid ng San Miguel Corp., Milo, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant at PAGCOR.

“Anytime next week, baka namin payagan mag-scrimmages sa kanya-kanyang lugar (facilities). Of course, with the approval ng LGUs,” panapos ng opisyal. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.