Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SMB, Alaska kakalas sa pagkakabuhol

0 111

Clark Smart Giga City – Babasagin ng San Miguel Beermen at Alaska ang pagkakabuhol sa 2-2 sa main game mamaya sa Smart 5G-powered AUF Arena sa Angeles City.

Inumpisahan ang PBA Philippine Cup restart sa 0-2, naitagay ng Beermen ang unang panalo nang ibaon ang Terrafirma 105-98 noong Lunes.

Sasakyan ng Aces ang momentum ng dambuhalang 120-88 win sa Blackwater noong Martes.

Exit sa bubble si Terrence Romeo (shoulder) at may iniinda si Chris Ross (thumb, knee), rumesponde si Von Pessumal ng 17 points mula 5 for 9 shooting sa 3s at nasundan ng SMB ang panalo sa Magnolia noon pang March 8, tatlong araw bago suspendihin ang mga laro dahil sa pandemic.

Naka-16 minutes lang si Ross kontra Dyip, 0 of 4 sa field, may 2 points at 4 assists. Mas malamang na limitahan pa rin ni coach Leo Austria ang minuto niya ngayon.

Kanya-kanyang ambag sina Arwind Santos, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Mo Tautuaa at kahit si Paul Zamar para isagwan ang kampanya ng five-time defending champions.

Kumana ng double-double na 20 points at 14 rebounds si Santos noong huli. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.