Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SMB boss 3 beses sapol ng COVID, ligtas

0 49

Ibinunyag ni San Miguel Corporation (SMC) president at chief operating officer Ramon S. Ang na tatlong beses siyang dinapuan ng coronavirus disease noong 2020.

Sa isang online conference na isinagawa ng Bureau of Internal Revenue nitong Miyerkoles tungkol sa mga top taxpayer sa bansa, ibinahagi ni Ang ang masasakit na pinagdaanan noong nakaraang taon kabilang na roon ang pagkakaroon ng virus.

“Ang natutunan natin ay maging humble. For the first time in my life, I’ve experienced na ‘yung mga masasakit na pangyayari, na nangyari noong 2020. Namatayan po ako ng anak. Tatlong beses ako tinamaan ng COVID-19,” lahad ni Ang.

Sa kabila nito’y patuloy aniya siyang nagtrabaho.

Matatandaang mula nang pumutok ang coronavirus pandemic sa Pilipinas noong Marso ay naging aktibo si Ang sa pagtulong sa mga Pilipino.

Noong nakaraang taon ay kinilala ang COVID-19 response efforts niya sa Asia CEO Awards kung saan pinagkalooban siya ng Lifetime Contributor Award. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.