Abante Tonite Interactive

SMB ‘di pa rin maaaring maliitin sa PH Cup — Bong

370

Naniniwala si Bong Ravena na hindi pa rin ­puwedeng ipagtulakan ang San Miguel Beer sa 45th PBA Philippine Cup 2020 kahit wala si June Mar Fajardo.

Nasa kumpol pa rin ng teams-to-beat ni ­Ravena ang Beermen.

“Without Fajardo, pabor sa lahat ‘yun,” aniya.

Kaya hindi nawawala sa radar ng TNT coach ang SMB na determinadong sikwatin ang sixth straight all-Pinoy crown kahit wala ang 6-­­foot-10 center.

Sisiklab ang season-opening conference sa March 8 sa Smart Araneta Coliseum.

“Malaking bagay for us na wala ‘yung Fajardo but we won’t take them lightly,” punto ni Ravena. “Even without Fajardo, it doesn’t mean they’re weak. Siyempre, San Miguel pa rin ‘yan, beterano na rin sa laro.”

Inoperahan noong isang linggo ang ­five-time MVP matapos abutin ng right shin fracture sa ­ensayo ng Beermen. Pinakamaigsing ­inaasahang mawawala si Fajardo ay limang buwan.

Sa kabila ng karibalan sa liga, umaasa si ­Ravena na makaka-recover agad si Fajardo.

“While injuries are a part of basketball, he is such a big part of the PBA,” aniya. “I wish he was healthy and playing as you want to beat each team at its best. I hope for a quick recovery for him.” (Vladi Eduarte)