Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SMB, Magnolia asinta semis

0 80

Susubukan nang tapusin ng San Miguel Beer at Manolia Pambansang Manok ang mga quarterfinals series nila ng NorthPort at Rain or Shine ngayong araw para makabalik sa semifinals ng PBA Philippine Cup.

Inunahan ng Beermen ang Batang Pier 88-87 sa last-second basket ni Alex Cabagnot sa opener ng best-of-three noong Linggo sa Don Honorio Ventura State U sa Bacolor para sa tsansang mawalis ang kalaban sa alas-2:00 nang hapon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa likod naman ng 20 points ni Paul Lee, nakauna rin ang Hotshots laban sa Elasto Painters 81-70. Maari na ring mag-Final Four kung muling papalarin sa alas-4:35 nang hapon

“Very dangerous talaga ang NorthPort,” pahayag ni SMB coach Leo Austria. “Sinuwerte lang talaga kami that game.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.