Abante Tonite Interactive

SMB nanganganib

362

Nasubaybayan ko ang laro nitong Linggo ng San Miguel Beer kontra Meralco kung saan na­tambakan ang grandslam-seeking team, 125-99, sa 44th PBA Governors’ Cup 2019-2020 elims.

Maraming nagsasabi na delikado si coach Leo Austria at ang Beermen sa pakay na pangalawang grand slam matapos ang una noong 1989.

Pero, lumalabo na nga ba?

Sa aking pananaw, ‘di pa tapos ang boksing. Puwede pang makamit ng SMB ang asam. Alam naman natin na ang isang super team tulad ng Beermen ay kayang-kaya makabalik sa torneo.

Ang koponan ay binubuo ng maraming superstars tulad nina 5-time MVP June Mar Fajardo, Arwind ‘Spiderman’ Santos, Alex Cabagnot, Finals MVP Chris Ross, isa pang Finals MVP Terrence Romeo, 3-point specialist Von Pessumal, at shooter na si Marcio Lassiter. Dagdag pa si Mo Tautuaa na galing NorthPort. Sa unang laro ni Mo, ‘di pa nakapag-adjust sa sistema ni Coach Leo kahit maganda ang improvement ng laro, pero siguradong makakatulong ito sa Beermen sa mga susunod na laban.

‘Wag din nating kalimutang magaling si Dez Wells, na nag-a-average ng 37 points. ‘Yun lang, nagkaroon ng sprain sa kanyang paa sa second quarter kontra Bolts, at pinahinga na lang sa second half.

‘Pag nakarekober si Wells sa kanyang sprain at pagbalik nito, siguradong aarangkada uli ang SMB. Ilang beses na nilang ginagawa ito kaya sa tingin ko, kaya nilang talunin lahat ng koponan.

Abangan.

Sa kalukuyang standings, ang TNT at NLEX ang mga nangunguna sa 7-1 win-loss record. Ngunit nakita kong may injury si Jayson Castro, so ang tingin ko mahihirapan ang TNT sa mga susunod na laro at sa play off time.

Sumusunod ang Meralco at Ginebra na may 2 talo na. Panlima ang SMB na may 3 talo. Sa 12 koponan, maaalis ang huling apat, katulad ng Blackwater, Phoenix, Alaska at Rain or Shine na malamang mabigo sa quarterfinals.
So, nandiyan pa rin ang SMB sa Top 5 at malaki pa rin ang tsansa na masungkit ang grand slam na gusto nila.

Kung merong makakatalo sa kanila, ito ang Ginebra at Meralco. Nandiyan pa rin ang Best Import na si Justine Brownlee at ang much improved na si Greg Slaughter sa Gin Kings.

Ang Meralco naman ay ang dark horse ng torneo, dahil sa ganda ng laro ni Allen Durham na nag-triple double nitong isang araw. Nakabalik na rin si Cliff Hodge mula injury, at ang grabeng shooting ni Baser Amer sa 3 point area, at mga rebounding ni Raymond Almazan.

Nadagdagan pa sila ng isang pure shooter sa katauhan ni Alein Maliksi, na gumawa ng 12 puntos sa unang laro niya sa Meralco. Kundi makuha ng SMB ang kampeonato, ang tingin ko, Meralco Bolts ang magwawagi.