Abante Tonite Interactive

SMB nganga sa kapalit ni Fajardo

691

Hindi pa nagsisimula ang 45th Philippine Basketball Association Philippine Cup 2020, pero ramdam na ng defending champion San Miguel Beer ang pagkawala ng kanilang pambatong sentro na si five-time MVP June Mar Fajardo.

Kaya naman patuloy na naghahanap ang Beermen ng puwedeng pamalit sa 6-foot-10 baller para makatulong sa asam na six-peat feat sa all-Pinoy conference na naurong sa Marso 8 mula Marso 1 dahil sa 2019 novel coronavirus o nCoV.
Aminado si Leo Austria na kailangan nilang makakuha ng big man pero ayon sa kanya hindi madaling maghanap.

“May plano kaming kumuha ng big man pero walang nag-o-offer sa amin ng big man eh dahil lahat ng big man, kailangan ng bawat team,” saad ng Beermen coach nitong Martes.

Hinirit niya na may mga free agent na interesadong maglaro sa San Miguel subalit hindi pa sila binibitawan ng kanilang mother team.

“Wala tayong makita sa free agency, may mga nagpapahayag ng interest ang problema, nag-expire nga ang contract nila pero wala naman silang release so ‘yung rights nila, nasa mother team pa rin nila, ayaw namin ng ganoon. Problema iyon”

Habang naghahanap ang SMB, aasa muna sina sa kanilang bigs na sina Mo Tautuaa ant Billy Mamaril sa balik praktis na ng team.

Maganda naman ang ipinakita nina Tautuaa at Mamaril sa kanilang tune-up game nang talunin ng SMB ang Rain or Shine nitong Linggo. (Elech Dawa)