Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SMB sabik na sa trabaho – Austria

0 169

Gigil nang bumalik sa court ang San Miguel Beer pagkatapos ng limang buwang pagkakagarahe dahil sa pandemic.

Nagpa-swab test na sa coronavirus ang Beermen noong Martes pa.

“Mantakin mo, limang buwan kang nasa bahay lang? Everybody’s very eager, very excited to get back to work kaya nauna na kaming magpa-test,” lahad ni Leo Austria.

Maganda naman aniya ang nakita niya sa buong team.

“Based doon sa pag-uusap namin at sa nakita ko, wala namang nag-postivie kaya very upbeat lahat,” dagdag ng SMB coach. “Ganu’n nga lumabas sa results.”

Inunahan ng Beermen sa swab testing ang sister teams Ginebra at Magnolia na parehong sumalang nitong Miyerkoles sa government-approved San Miguel Corp. facilities sa Pasig.

Sa Makati Medical Center nagpa-test ng Aug. 20 at 21 ang iba pang teams, mula tatlo hanggang apat na araw ang inaasahang labas ng mga resulta.

Iniskedyul ni commissioner Willie Marcial ang balik-workout sa Martes. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.