Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SMC 100% cashless na mga tollway sa Jan 11

0 55

Naabot na ng San Miguel Corporation (SMC) ang target nitong 156 radio frequency identification (RFID) station noong Disyembre 29 ng nakaraang taon.

Dahil dito, 100% umanong maipatutupad na sa kanilang mga tollway ang cashless payment simula sa January 11.

“Back in November, and again in mid-December, we committed to open over 100 new RFID stations in various locations before end of the year. Even as we were preoccupied with soft-opening our Skyway 3 and then had a long New Year’s break, I’m happy to report to the public that we also reached our target 156 Autosweep RFID installation stations, last Dec. 29,” pahayag ni SMC president at chief operating officer Ramon S. Ang.

Ang SMC ang nag-ooperate sa STAR (Southern Tagalog Arterial Road) Tollway, South Luzon Expressway (SLEX), Skyway, NAIA Expressway (NAIX), at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).

Sabi ni Ang, malaking bagay ang pagbubukas nila ng mga “offi-site” stickering station, katulad sa mga mall at mga opisina ng gobyerno, para maabot ang iba pang non-regular user ng mga toll road.

Leave A Reply

Your email address will not be published.