Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SMC 1M toneladang basura hinakot sa Tullahan River

0 62

Naabot ng San Miguel Corporation (SMC) ang target nito na halukayin ang mahigit isang milyong tonelada ng mga burak at iba pang basura sa kahabaan ng Tullahan River na mas maaga sa itinakdang panahon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Hanggang nitong Hunyo 20, nasa 1,029,257 tonelada ng mga burak at basura ang nakuha mula sa Tullahan River na katumbas ng halos 70,000 dump truck.

Sabi ni SMC president at chief executive officer Ramon S. Ang, kahit may pandemya na nagpaantala sa kanilang cleanup operation, nagpatuloy pa rin ang SMC para maabot ang layunin nito na mahalukay ang mga naipong burak at iba pang basura sa Tullahan River upang maging maayos ang agos ng tubig dito.

“What is critical now is getting all stakeholders to keep the river clean and free of garbage. This requires all of us working together,” ani Ang.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinimulan ng SMC ang P1 billion Tullahan River cleanup project kasama ang DENR noong Pebrero 2020 kasabay ng Manila Bay rehabilitation project.

Isa ang SMC sa mga tumugon sa hamon ng DENR sa pribadong sektor na tumulong linisin ang mga ilog na umaagos patungo sa Manila Bay dahil sa mga nakabarang basura tulad ng plastic.

Susunod na proyekto ng SMC ang paglilinis sa Marilao-Meycauayan-Obando River System (MMORS) sa Bulacan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.