Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SMC airport project suportado ng mga Bulakenyo

0 448

Nagpahayag ng lubos na suporta ang mga lokal na opisyal, residente at iba pang stakeholder para sa agarang pagpapatayo ng bagong Manila International Airport sa Brgy. Taliptip, Bulakan, Bulacan.

Para sa mga Bulakenyo, isa itong “game-changing project” ng San Miguel Corporation (SMC) na inaasahang magbubukas ng mas marami pang oportunidad para sa buong lalawigan ng Bulacan katulad ng pagkakaloob ng trabaho sa milyon-milyong mga Pilipino at makatutulong sa pagbangon ng bansa mula sa pandemyang hatid ng COVID-19.

SM food to go Banner Ad

Mismong sina Bulacan Governor Daniel Fernando, Bulakan Mayor Vergel Meneses at ang mga opisyal at residente sa Brgy. Taliptip at Brgy. Bambang ay nagpahayag na kanilang suportado ang P740 bilyong airport project sa isinagawang public hearing ng Environment Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kahapon.

Sinabi ng mga lokal na opisyal at mga residente na kinonsulta sila hinggil sa proyekto at masusi nilang tinimbang ang panukalang pagpapatayo ng paliparan sa kanilang lugar na malaki ang benepisyo para sa probinsya at mga mamamayan dito, kabilang na ang solusyon sa matagal nang problema ng mga Bulakenyo na pagbaha.

Leave A Reply

Your email address will not be published.