Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SMC arangkada ayuda sa mga binagyo ni `Odette’

0 171

Patuloy ang pamimigay ng ayuda ng San Miguel Corporation (SMC) sa mga probinsya na hinagupit ng bagyong `Odette’ kabilang na ang pamumudmod ng mga pagkain at tubig na umaabot na sa mahigit P35 milyon ang halaga.

Kasabay nito ay patuloy din na inaayos ng fuel subsidiary ng SMC na Petron Corporation ang pagbabalik sa operasyon ng mga nasira nilang service station sa mga probinsya na sinalanta ng bagyo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Magpapadala rin ang SMC ng 24,000 litro ng tubig mula sa kanilang Bulacan Bulk Water Project tungo sa ilang komunidad sa Visayas at Mindanao sa tulong ng kanilang mga logistics partner katulad ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System, Philippine Coast Guard, Philippine Navy, at mga non-government organization.

Ayon kay SMC president at chief executive officer Ramon S. Ang, nagsisimula pa lang ang pagbangon ng Visayas at Mindanao mula sa pinsala ng bagyong `Odette at patuloy silang tutulong para ganap na makarekober ang mga rehiyon na sinalanta ng kalamidad.

Leave A Reply

Your email address will not be published.