Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SMC dinagdagan doktor, nars ng mga LGU

0 239

Nagpadala na ng sariling mga doktor at nars ang San Miguel Corp. sa mga local government unit para tumulong sa pagbabakuna laban sa COVID-19.

“This is another way we can support government’s vaccination efforts—by sharing our resources, in this case, our employee medical professionals,” sabi ni SMC president Ramon S. Ang.

Aniya, hinihintay pa ng SMC na dumating ang bakuna para sa 70,000 nitong mga tauhan kaya minarapat na ng mga doctor at nars nito na libreng tumulong sa pagbabakuna ng mga LGU na kulang sa mga tauhan.

Ayon sa SMC, dalawang doktor at 17 nars na ang pinadala nito sa mga vaccination site sa Mandaluyong City at pinag-aaralan na nito kung paano magpadala ng mas marami pang healthcare worker sa ibang mga LGU sa susunod na mga linggo.

Sabi ni Ang, tutulong ang SMC sa kahit na anong paraan na maaari dahil ang pagbabakuna ang pinaniniwalaan niyang pinakamagandang paraan para maprotektahan ang ating mga sarili at ang ating mga mahal sa buhay laban sa pandemya.

Libreng babakunahan ng SMC ang mga tauhan nito at mga tauhan ng third-party provider ng kompanya at pinaplano nitong kumuha ng 300 pang medical worker para makatulong sa pagbabakuna. Nasa P1 bilyon ang inilaan ng SMC para sa sarili nitong vaccination program.

“Our goal is to make a meaningful impact on achieving herd immunity by taking care of our own people. By providing our employees free vaccines, they no longer need to take from the government’s supply, which means more vaccines can be allotted for others,” sabi ni Ang.

Dagdag niya, mas madaming tao ang mabakunahan, mas maaga tayong makababawi mula sa pandemya kaya’t tumutulong ang SMC hanggat kaya. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.