Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SMC itatayo 200MW solar farm para sa Bulacan airport

0 144

Plano ng San Miguel Corporation (SMC) na magtayo ng 200 megawatt solar farm sa 2,500 hektaryang lupain sa Bulacan na pagtatayuan ng P740 bilyong New Manila International Airport.

Bukod sa luluwag ang airport sa Metro Manila gayundin ang trapiko, inaasahang pasisiglahin din ng bagong paliparan ang ekonomiya ng bansa.

“It is projected to generate trillions of dollars in economic activity and job opportunities, potentially contributing about 9% to GDP by 2025. Estimated annual impact to the economy amount to nearly P900 billion,” pahayag ng SMC.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, bukod sa pagpapatayo ng paliparan, nais din ng SMC na ituloy ang pagsusulong nito sa tinatawag na `green economy’ para sa nasabing proyekto.

Ayon kay SMC president at chief operating officer Ramon S. Ang, isa ang airport project sa Bulacan sa pinamalaking pasilidad na itatayo sa buong bansa.

Dagdag pa ni Ang, maglalagay sila ng solar farm sa Bulacan na may battery energy storage facility na puwedeng gamitin kapag malakas ang demand sa kuryente.

Leave A Reply

Your email address will not be published.