Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SMC kinansela balik-trabaho, ilalarga booster

0 161

Ipinagpaliban muna ng San Miguel Corporation (SMC) ang plano nitong pabalikin sa opisina ang kanilang mga empleyado sa National Capital Region (NCR) para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa trabaho ngayong muling dumadami ang kaso sa bansa.

Sabi ng SMC, makatutulong din ang pagpapaliban ng pagbalik sa opisina para sa mga kawani nilang may sakit upang makapag-isilate at magpagaling.

Sabi ni SMC president at chief executive officer Ramon S. Ang, mahigpit na binanbantayan ng kompanya ang mga kaso ng COVID sa kanilang mga empleyado para mai-adjust ang mga patakaran ayon sa sitwasyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ngayon, hinihikayat ng SMC ang mga empleyado nito na sa bahay muna magtrabaho maliban na lang kung kinakailangang pumunta sa tanggapan.

Sabi ni Ang, hinahanda na rin ng SMC ang pagbibigay ng bakuna booster sa mga empleyado at kanilang mga pamilya dahil naniniwala ang kompanya na ito ang kanilang pinakamalakas na panlaban sa sakit o kamatayan buhat sa COVID.

Sa ngayon, 97% na ng 70,000 empleyado ng SMC ang fully vaccinated. Sa National Capital Region, 95% sa 19,800 empleyado ay bakunado na. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.