Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SMC kontra gambling sa Bulacan ecozone

0 95

Tutol sa anumang uri ng gambling o sugal ang San Miguel Corporation (SMC) sa panukalang Bulacan economic zone.

Ito ang sinabi ni Melisa Encanto-Tagarda, government relations head ng SMC, matapos banggitin ni Senador Joel Villanueva sa pagdinig ng Senate committee on economic affairs na maraming grupo sa lalawigan ang tutol sa sugal.

“We are not in favor of gambling and POGOs (Philippine Offshore Gaming Operators) and all those in the ecozone but we also have to consider po that the Board will be the one in charge of these locators,” pahayag ni Tagarda sa komite.

Paliwanag pa nito, ang lalawigan naman ng Bulacan ang mamamahala sa ecozone at hindi ang SMC.

SM food to go Banner Ad

Kinatigan naman ni San Miguel Holdings Corp. operations head Edgar Doña ang naturang posisyon ni Tagarda.

“As a matter of policy, we will not allow gambling and POGOs,” saad nito.

Nauna nang inaprubahan sa Kamara sa ikatlong pagbasa ang isang panukala para sa pagtatayo ng Bulacan Airport City Special Economic Zone And Freeport.

Sa nasabing ring pagdinig, sinabi ni Bulacan Governor Daniel Fernando na hindi pa nakokonsulta ang provincial government hinggil sa panukalang economic zone.

Nangako naman ang SMC na makikipag-usap sila kay Fernando hinggil sa nasabing proyekto. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.