Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SMC magbebenta ng karne sa pinakamababang presyo

0 55

Inanunsyo ng San Miguel Corp. (SMC) na pananatilihin nito ang kasalukuyang wholesale price ng baboy sa mga franchise ng Monterey para manatili itong abot kaya ng mga consumer ngayong may pandemya at African Swine Flu emergency.

Lalawakan din umano ng San Miguel Foods ang distribusyon nito pati na sa palengke para makatulong mapababa ang presyo ng baboy at manok sa merkado at masiguro ang suplay ng mga ito.

Ayon sa SMC sinagad na nito ang wholesale price para sa manok at baboy para masegurong maibebenta ito ng mga reseller na pasok sa price ceiling na P270 per kilo sa pigue at P300 liempo.

“As a leading food manufacturer, we have a responsibility to the consumers. We want to make sure that the objective of the order is met and that is to make pork and poultry products still within reach of many Filipinos,” sabi ni SMC president Ramon S. Ang.

SM food to go Banner Ad

Sabi ni Ang, lahat ay nahihirapan ngayong panahon ng pandemya at apektado kapwa ang malalaki at maliliit na negosyo at mga micro retailer at mga mamimili. Pangunahing pangangailangan ang pagkain at kailangan din ng lahat kumita ngunit hindi naman dapat pigain ang consumer.

“We are all experiencing difficulties at this time of pandemic. Big businesses like us are affected. Small enterprises and entrereneurs are also affected. Micro-retailers and of course, consumers are all affected. But food is a basic need of people. In this time of crisis, we all need to still turn a profit. But we shouldn’t profit unreasonably and at the expense of consumers,” sabi ni Ang. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.