Abante Tonite Interactive

SMC magdadagdag ng 2 lane sa SLEX

185

Minamadali na ng San Miguel Corp. ang paggawa ng temporary steel ramp para madagdagan ng lane ang northbound na bahagi ng South Luzon Expressway (SLEX) mula Alabang.

Ayon sa San Miguel Corp., bubuksan nito ang rampa na may da­lawang lanes sa December 1 para maging five lanes na ang ngayon ay three lanes na Northbound section ng SLEX.

Sabi ni SMC president and CEO Ramon S. Ang, pagagaanin nito ang traffic sa SLEX dahil ikokonekta nito ang Alabang viaduct sa Skyway na bahagi rin ng Skyway extension project.

Sabi ni Ang, mara­ming limitasyon ang disenyo ng SLEX dahil limang lanes ito mula Susana Heights pa-Ala­bang at nagiging apat na lanes na lang ito pagdating sa Alabang viaduct, at tatlong lanes na lang ito pagdating sa at-grade.

Aniya, gagawin na nilang five lanes ang buong northbound at southbound ng SLEX para hindi na naiimbudo ang traffic.

Humingi ng paumanhin si Ang sa mga motoristang naperwisyo ng proyekto at pina­ngangako niyang bubuksan na lahat mga lane na isinara para magbigay-daan sa cons­truction.

Aniya, hindi babalik sa normal ang traffic sa lugar kundi ay gaganda pa.
“Traffic will not only return to normal le­vels, it will even improve.

That’s because we are also opening the temporary ramp from the Alabang viaduct going up to Skyway. With a total of five lanes northbound, I think we can expect a significant improvement in the traffic,” sabi ni Ang. (Eileen Mencias)