Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SMC malasakit sa mga Pinoy binida ng DOLE

0 49

Binigyan ng espesyal na pagkilala ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang San Miguel Corporation (SMC) dahil sa ipinakita nitong magandang ehemplo bilang isang kompanya sa Pilipinas na mayroong malasakit sa sarili nilang mga tao.

Kabilang ang pagkuha sa 25,000 na mga dating empleyado ng kanilang third-party providers at ginawang mga regular, istriktong pagsunod sa mga batas paggawa, at pagtulong sa mahigit 70,000 kawani ng SMC sa buong bansa ngayong pandemya.

Pinapurihan ni DOLE Secretary Silvestre Bello III ang SMC dahil sa tuloy-tuloy na pagsisikap ng kompanya para matulungan ang kanilang mga kawani, partikular sa panahon ng pandemya bagama’t hindi pa ganap na nakababangon ang ekonomiya at mga negosyo sa bansa.

Binanggit ng DOLE ang matagumpay na Business Reintegration program ng SMC kung saan ay winakasan ng kompanya ang mga service agreement sa kanilang mga third-party provider para sa non-core, auxiliary operations. Gayundin, nasa 25,000 manggagawa ang naging regular na empleyado ng SMC na mayroong kumpletong benepisyo sa ilalim ng bagong tatag na Operations, Maintenance and Management (OMM) companies.

Kinilala rin ng DOLE ang SMC dahil sa Group-wide Labor Laws Compliance System kung saan ay siniguro at lalo pang pinalakas ang pagtalim ng mga kompanya nito sa mga batas paggawa hanggang sa kanilng mga contractor, sub-contractors, suppliers at mga business partner.

Nagpasalamat naman si SMC president Ramon S. Ang sa DOLE na kinilala ang mga ginagawang pagsisikap ng kompanya para sa kanilang mga manggagawa.

“For SMC, it is not only about profits. We also measure success by how many lives we are impacting in a positive way, whether through our new developments, investments, expansion programs, or environmental and social initiatives,” ayon kay Ang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.