Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SMC mamumudmod ng ayuda sa mga binagyo

0 182

Magkakaloob ng tulong ang San Miguel Corporation (SMC) para sa mga lugar sa Bicol region at iba pang probinsya na hinagupit ng bagyong `Rolly’.

Ipinahayag ni SMC president at chief operating officer Ramon S. Ang na unang magpapadala sila ng mga pagkain sa Albay, Catanduanes, Sorsogon, Camarines Norte, Camarines Sur, Quezon, Romblon, Marinduque, Laguna, at Batangas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inaasahan ng SMC, sabi ni Ang, na marami pa silang ihahatid na food donation sa mga susunod na araw para iba pang probinsya na sinalanta ng bagyo.

Sa ngayon umano ay nakikipag-ugnayan na ang kanilang mga tao sa iba’t ibang opisyal para maging mabilis ang paghahatid ng ayudang pagkain sa mga probinsyang labis na hinagupit ng bagyo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.