Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SMC: Maraming trabaho sa P740B airport project

0 137

Sinimulan nang tumanggap ng mga manggagawa ng San Miguel Corporation (SMC) para sa “game-changer” na proyekto nitong P740 bilyong Manila International Airport sa Bulacan.

Inihayag ng SMC na nakatapos na sa kanilang specialized job training program ang unang batch ng mga trainee nila sa Technical Education Skills and Development Authority (TESDA).

“We wanted to make sure that this mega-project will foster wider prosperity for the country and help everyday Filipinos, especially our kababayans in Bulacan and nearby provinces, recover from the current crisis by creating and making good jobs available,” pahayag ni SMC president at chief operating officer Ramon S. Ang.

Ang TESDA program na pinondohan ng SMC, ay unang binuksan para sa mga dating nakatira sa Brgy. Taliptip, na siyang pagtatayuan ng paliparan. Subalit bubuksan pa ito para sa mas maraming residente sa Bulacan gayundin sa nakatira sa mga kalapit na probinsya sa mga susunod na buwan upang matulungan ang mga nawalan ng trabaho.

Sinabi ni Ang na malaki ang maitutulong ng airport project para sa pagbangon ng ekonomiya at paglikha ng milyong trabaho.

Leave A Reply

Your email address will not be published.