Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SMC, mga mananahi pakner sa PPE project

0 72

Umayuda ang San Miguel Corp. (SMC) para magkaroon ng ikabubuhay ang mga mananahi sa bansa sa pamamagitan ng paggawa ng personal protective equipment (PPE) na kailangan ng mga ospital at iba pang health facility.

Nagsimula na ang San Miguel Yamamura Packaging Corporation sa paggawa at distribusyon ng mga PPE.

“It has only been a year, so it’s still very fresh in our minds what happened last year at the start of the pandemic, when there was a worldwide shortage of PPEs. We want to help ensure our medical workers and hospitals can source protective wear locally,” ayon kay SMC president at CEO Ramon S. Ang.

SM food to go Banner Ad

Kasabay aniya nito, binibigyan din nila ng hanapbuhay ang mga mananahi na mayroong maliit na sewing business na apektado rin ng pandemya.

Ang materyales para sa PPE ay magmumula pa sa Malaysia, at idideliber ito sa mga mananahi sa Pasay, Quezon City at Imus, Cavite.

Matatandaan na isa ang SMC sa mga naunang tumulong noong nagsimula ang COVID-19 pandemic, sa pamamagitan ng mga food donation drive at pagbago ng kanilang liquor operation para gumawa ng mga disinfectant alcohol. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.