Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SMC: Mga tren ng MRT-7 darating na

0 87

Inanunsiyo ng San Miguel Corporation (SMC) na darating sa susunod na linggo ang unang batch ng mga bagong tren mula sa South Korea na gagamitin para sa Metro Rail Transit (MRT) Line 7 project.

Ayon sa SMC, binubuo ang mga tren ng anim na bagon o dalawang train set mua sa Hyundai Rotem.

Kada trainset ay nasa 65.45 metro o higit sa buong haba ng isang Olympic-size swimming pool, na 50 metro.

SM food to go Banner Ad

Sabi ni SMC president Ramon S. Ang, marami pang tren ang nakatakdang dumating sa mga susunod na buwan hanggang sa 2022.

Target ng SMC na magsimula ang test run ng proyektong MRT-7 sa Disyembre 2022. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.